Tungo sa Makapilipinong Pananaliksik
Matagal na ring tinatalakay kung bakit nalilihis ang landas ng mga Pilipinong mananaliksik patungong kaalaman ukol sa diwang Pilipino at kung papaano ito maitutuwid. Madalas sabihing:
§ Gumamit ng sariling wika;
§ Pahalagahan ang katutubong kultura; at
§ Iwaksi ang mapagkumbabang pagtingala sa kanluraning kultura na nagsisilbing balakid sa pagtarok ng kaalaman tungkol sa katutubong kultura.
§ Kailangan ring paunlarin ang paraan kung papaano gagawin ang pananaliksik sa diwang Pilipino.
Sanhi ng paglihis ng landas
· Ang mga paksa ay pinili ayon sa interes, layunin at suliranin ng mananaliksik.
· Ang mga paksa ay pag-uulit sa mga pananaliksik sa ibang kultura.
· Ang mga paksa ay pinili ng mga kawanihang tumutustos sa pananaliksik, na ang karamihan ay may layuning baguhin angdating kaugalian at pamamaraan upang diumano’y ikaunlad ng bayan
· Karamihan sa mga paksa ay hindi hango sa taong pinag aaralan, ito ay walang kaugnayan o kabuluhan sa kanilang buhay at suliranin.
· Karamihan sa mga umiiral at tanyag na pamamaraanng pagkuha ng datos ay may oryentasyong kanluran at hindi angkop sa pag-iisip, damdamin at kilos ng Pilipino.
· Pagkatapos mapili ang paksa at mapag-aralan ito ayon sa mga paraan na nag-uugat at lumago sa kanluran, binigyan naman ito ng kahulugan na batay sa mga teoryang hango sa mga kanluraning kultura. Dahil sa ganitong pangyayari, baluktot na realidad ang resulta ng mga pananaliksik.
Mga mungkahi para sa maka-Pilipinong Pananaliksik
· Ibatay sa interes ng mga kalahok ang pagpili ng paksang sasaliksikan.
· Pag- aralan ang ibat-ibang paraan ng pagsisiyasat ng anumang penomeno alinsunod sa ginagamit at tinatanggap ng karaniwang Pilipino. Ang mahalaga ay hindi ang pagka-sophiticated kundi ang kaangkupan nito.
· Iwasan ang bulag na pagpapahalaga sa resulta ng pananaliksik. Ang mahalaga ay ang paglinang sa mga pamamaraang angkop sa layunin at kontekstong Pilipino.
· Pahalagahan ang sariling palagay at haka-haka. Makikita ang diwang Pilipino hindi sa salansan ng mga aklat kung hindi sa salita at kilos ng masa.
· Subukan ang isang panimulang metodo ng pananaliksik na dinedebelop batay sa pagsusuri ng pananliksik sa nayon.
1. Iskala ng mananaliksik
· Ginagamit ng sinumang nagnanasang mag-aaral o magsisiyasat ng anumang bagay na nauukol sa Gawain ng tao, na may kaugnayan sa kanyang reaksyon sa mga bagay, at sa kanyang kapwa, maging kilos, pag-iisip o damdamin.
· Mga metodong subok na ang kakayahang lumikom ng impormasyon sa kulturang Pilipino, at angkop sa pag-uugali at pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.
· Iniaayos ito mula sa pinakasimple hanggang sa pinakamaslimuot ng mga paraan.
o Pagmamasid/ pakikiramdam/ pagtatanong-tanong/ pagsubok/ padalaw-dalaw/ pagmamatyag/ pagsusubaybay
o Pakikialam/ pakikilahok/ pakikisangkot
2. Iskala ng pagtutunguhan ng mananaliksik at kalahok
§ Batay sa makapilipinong pananawna ang relasyon ng mananaliksik at kalahok ay pantay at nagdaraan sa iba’t ibang antas.
§ Ito’y iniantas ayon sa paglalapit ng kalooban ng mga mananaliksik at kalahok.
§ Sa mga sikolohista, iminumungkahing ang pagtutunguhan ay paratingin sa pakikipagpalagayang-loob sapagkat sa ganitong paraan lamang matatarok ang tunay na kalooban ng kalahok.
i. Pakikitungo
ii. Pakikisalamuha
iii. Pakikilahok
iv. Pakikibagay
v. Pakiksama
vi. Pakikipagpalagayang-loob
vii. Pakikisangkot
viii. Pakikiisa
1 comment:
32eto po ba ung summary ng sinulat ni Enriquez and Santiago?
Post a Comment