Wednesday, October 13, 2010

PAGTATANUNG-TANONG

PAGTATANUNG-TANONG

· Ang layunin ay maaaring ang pagkukuha ng impormasyon o ang paglilinaw, pagtitiyak at pagpapatibay ng impormasyong nakuha na.

· Ang katangian tinitingnan sa nagtatanong ay kailangang isagawa sa tamang pook at tamang panahon at pagkakataon.

· Kadalasan, ang mga taong pagtatanong ay ang pakatok/pagbati na sinusundan ng pagpapakilala ng sarili at pagsasabi ng nilalayon, pagtantiya sa pagtanggap ng patatnung, aktuwal na pagtatanong, at pagbubuod.

· Bilang isang metodo, nakakatulong nang malaki ang pagtatanung-tanong sa pananaliksik.

Aspeto ng pagtatanung-tanong

(1) layunin

Bakit nga ba nagtatnong-tanong ang isang tao?

§ Ang kaalamang nauukol sa pangyayaring pinag-aaralan niya ay wala sa kamay ng iisang tao lamang.

§ Maaring ang mga taong tuwirang nasasangkot sa pangyayaring pinag-aralan ay kulang sa kasanayang magsalaysay ng kanilang karanasan.

§ Maaaring may nais linawin o pagtibaying mga impormasyong naibigay na ng ibang mga napagtanungan ng mananaliksik.

(2) Mga katangian ng nagtatanong-tanung

§ Kasarian

§ Edad

§ Pananamit

§ Kagandahan o kakisigan

§ Lahi

§ Pagdala ng mga kasangkapan/instrumentong pampananaliksik

§ Institusyong kinabibilangan

(3) pook

§ Ang tamang lugar ay may kinalaman sa kung sino ang pagtatanungan

§ Hindi sapat na may tao sa lugar na yaon kundi kailangang matao, depende sa hinihingi ng paksa.

§ Ang tamang lugar ay yaong angkop sa kapaligiran

(4) pakakataon

§ Ang pagtatanong ay magagamit sa maraming pagkakataon batay sa kakayahan ng mananaliksik at ayon sa hinihingi ng pangyayari o kalagayan.

(5) panahon

§ Sa lahat ng oras maliban kung oras ng pagtulog

§ Sa umaga

§ Sa tanghali

§ Sa gabi

§ Panahong maalwan

(6) mga taong pagtatanungan

§ May mataas na posisyon sa pook

§ Mga bata

§ Mga taong binabanggit ng ibang tao

§ Mga taong kinasasalaminan ng kaalaman sa paksang tinatalakay

§ Mga taong nagpapakita ng interes sa paksang tinatalakay

§ Sinumang “mukhang” may nalalaman

§ Mga taong hindi bantulot sa pagsagot

(7) pamamaraan

§ Pagkatok/pagbati

§ Pagpapakilala ng sarili at pagsasabi ng nilalayon

§ Pagtantya sapagtanggap ng pagtatanungan

§ Pinakaproseso ng pagtatanung-tanong

§ pagbubuod

No comments: