Mga Katutubong Paraan ng Pananaliksik
Pakapa-kapa
- Isang lapit sa pananaliksik kung saaan ang isang mananaliksik ay hindi gumagamit ng anumang aklat, banyaga o sa atin tungkol sa paksa, maliban sa sariling kuro-kuro, paninindigan o kakayahan.
Pagmamasid
§ Pagtingin-tingin o pagbabantay sa mga kilos at ginagawa ng isang tao o mga pangyyari at bagay-bagay sa isang lugar.
Pakikiramdam
- Ginagamit ditto ang damdamin at ang mga mata (batay sa mga nararamdaman ng mananaliksik sa kanyang inoobserbahan).
- Kailangan dito ay sensitibo o malakas makiramdam ang tao.
Pagtatanong-tanong
§ Pakikilahok sa isang pag-uusap na kung saan maaaring magtanong ukol sa mga bagay-bagay na di personal at maaring tutugon lamang sa mga tanong na alin, ilan, at ano.
§ Ang layunin dito’y makuha ang loob ng tinatanong at upang makakuha rin ng impormasyon na maaring makatulng sa pag-unawa ng mananaliksik.
Pagsubok
§ Pinakikiramdaman; maaaring isagawa sa pamamagitan ng pakikipag-usap o paggawa.
§ Sinusubukan ng isang tao kung totoo nga ang nabuong kaalaman sa kanyang isipan tungkol sa pinagmamasdan
Pagdalaw-dalaw
§ Madalas na pagpunta at pakikipag-usap sa mga tao sa isang lugar upang magkaroon ng mabilis na kilalanan at lubos na makuha ang loob ng komunidad, sapagkat sad alas ng pagkikita at pag-uusap, nasasabi ng isang tao ang nais niyang sabihin bagamat maaaring may ilan pang pagpipigil.
Pagmamatyag
§ Pag-aaral o pagsisikap na maunawaan ang isang bagay sa pamamagitan ng masusi at malapitang pagmamasid.
Pagsubaybay
§ Masusing panonood at pagmanman sa isang bagay o kilos ng isang tao.
Pakikialam
- pagtatanong ng bakit o paghahanap ng sapat na kadahilanan o paliwanag upang lubusang maintindihan ang kausap.
- Ito’y isang paraan din ng pakikipagpalagayang-loob.
Pakikisangkot
- isang uri ng pamamaraan na ang ginagamit ay ang sariling ideya o kuro-kuro galing sa utak ng isang tao, sa pagsagap ng kaalaman at karanasan.
- Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtira sa pook na kung saan isasagawa ang pananaliksik.
Pakikitungo/ Pakikisalamuha
§ Ang pagsunod sa antas ng mabuting asal ayon sa kaugalian sa pakikipagkapwa.
§ Ang pakikisalamuha ay tumutukkoy sa pakikitungo sa maraming tao, at higit na malapit sa pakikiisa kaysa sa pakikitungo.
Pakikilahok/ Pakikibagay
§ Pagsang-ayon sa gawa, salita at kilos ng isang tao na ang layunin ay maaring taos sa puso o hindi; maaaring
1. Antas ng mabuting asal;
2. Antas ng pagnanais makinabang; o
3. Antas ng hangaring ilapit ang loob sa iba.
§ Malaki rin ang maitutulong nito sa pakikipagkaibigan.
Pakiksama
§ Ang paglahok at pagsama sa gawain ng ibang tao dahil sa pakikipagkaibigan o dahil sa maaring ipakinabang sa hinaharap o siyang hinihingi ng pagkakataon.
§ Isang antas ng pagtutunguhan sa Iskala ng Pagtutunguhan ng mananaliksik at kalahok. Kinilala bilang isang metodo ng pananaliksik sa sikolohiya na kaiba sa participant observation na palasak sa antropolohiya.
Pakikipagpalagayang-loob
- Mas malalim na pakikibagay, pagpapakita ng pagkapanatag na kalooban sa kapwa sa pag-asang ito’y gagantihan din ng gayon. Naalis na ang hiya at pag-aalinlangan; may tiwala na sa isa’t-isa.
Pakikiisa
§ Mga kilos, loobin at salita ng isang taong nagpapahiwatig ng ganap at lubos na pagmamahal, pagkaunawa, at pagtanggap sa minimithi bilang sariling mithiin din.
No comments:
Post a Comment