Showing posts with label Filipino Psychology. Show all posts
Showing posts with label Filipino Psychology. Show all posts

Wednesday, October 13, 2010

PAGTATANUNG-TANONG

PAGTATANUNG-TANONG

· Ang layunin ay maaaring ang pagkukuha ng impormasyon o ang paglilinaw, pagtitiyak at pagpapatibay ng impormasyong nakuha na.

· Ang katangian tinitingnan sa nagtatanong ay kailangang isagawa sa tamang pook at tamang panahon at pagkakataon.

· Kadalasan, ang mga taong pagtatanong ay ang pakatok/pagbati na sinusundan ng pagpapakilala ng sarili at pagsasabi ng nilalayon, pagtantiya sa pagtanggap ng patatnung, aktuwal na pagtatanong, at pagbubuod.

· Bilang isang metodo, nakakatulong nang malaki ang pagtatanung-tanong sa pananaliksik.

Aspeto ng pagtatanung-tanong

(1) layunin

Bakit nga ba nagtatnong-tanong ang isang tao?

§ Ang kaalamang nauukol sa pangyayaring pinag-aaralan niya ay wala sa kamay ng iisang tao lamang.

§ Maaring ang mga taong tuwirang nasasangkot sa pangyayaring pinag-aralan ay kulang sa kasanayang magsalaysay ng kanilang karanasan.

§ Maaaring may nais linawin o pagtibaying mga impormasyong naibigay na ng ibang mga napagtanungan ng mananaliksik.

(2) Mga katangian ng nagtatanong-tanung

§ Kasarian

§ Edad

§ Pananamit

§ Kagandahan o kakisigan

§ Lahi

§ Pagdala ng mga kasangkapan/instrumentong pampananaliksik

§ Institusyong kinabibilangan

(3) pook

§ Ang tamang lugar ay may kinalaman sa kung sino ang pagtatanungan

§ Hindi sapat na may tao sa lugar na yaon kundi kailangang matao, depende sa hinihingi ng paksa.

§ Ang tamang lugar ay yaong angkop sa kapaligiran

(4) pakakataon

§ Ang pagtatanong ay magagamit sa maraming pagkakataon batay sa kakayahan ng mananaliksik at ayon sa hinihingi ng pangyayari o kalagayan.

(5) panahon

§ Sa lahat ng oras maliban kung oras ng pagtulog

§ Sa umaga

§ Sa tanghali

§ Sa gabi

§ Panahong maalwan

(6) mga taong pagtatanungan

§ May mataas na posisyon sa pook

§ Mga bata

§ Mga taong binabanggit ng ibang tao

§ Mga taong kinasasalaminan ng kaalaman sa paksang tinatalakay

§ Mga taong nagpapakita ng interes sa paksang tinatalakay

§ Sinumang “mukhang” may nalalaman

§ Mga taong hindi bantulot sa pagsagot

(7) pamamaraan

§ Pagkatok/pagbati

§ Pagpapakilala ng sarili at pagsasabi ng nilalayon

§ Pagtantya sapagtanggap ng pagtatanungan

§ Pinakaproseso ng pagtatanung-tanong

§ pagbubuod

Tungo sa Makapilipinong Pananaliksik

Tungo sa Makapilipinong Pananaliksik

Matagal na ring tinatalakay kung bakit nalilihis ang landas ng mga Pilipinong mananaliksik patungong kaalaman ukol sa diwang Pilipino at kung papaano ito maitutuwid. Madalas sabihing:

§ Gumamit ng sariling wika;

§ Pahalagahan ang katutubong kultura; at

§ Iwaksi ang mapagkumbabang pagtingala sa kanluraning kultura na nagsisilbing balakid sa pagtarok ng kaalaman tungkol sa katutubong kultura.

§ Kailangan ring paunlarin ang paraan kung papaano gagawin ang pananaliksik sa diwang Pilipino.

Sanhi ng paglihis ng landas

· Ang mga paksa ay pinili ayon sa interes, layunin at suliranin ng mananaliksik.

· Ang mga paksa ay pag-uulit sa mga pananaliksik sa ibang kultura.

· Ang mga paksa ay pinili ng mga kawanihang tumutustos sa pananaliksik, na ang karamihan ay may layuning baguhin angdating kaugalian at pamamaraan upang diumano’y ikaunlad ng bayan

· Karamihan sa mga paksa ay hindi hango sa taong pinag aaralan, ito ay walang kaugnayan o kabuluhan sa kanilang buhay at suliranin.

· Karamihan sa mga umiiral at tanyag na pamamaraanng pagkuha ng datos ay may oryentasyong kanluran at hindi angkop sa pag-iisip, damdamin at kilos ng Pilipino.

· Pagkatapos mapili ang paksa at mapag-aralan ito ayon sa mga paraan na nag-uugat at lumago sa kanluran, binigyan naman ito ng kahulugan na batay sa mga teoryang hango sa mga kanluraning kultura. Dahil sa ganitong pangyayari, baluktot na realidad ang resulta ng mga pananaliksik.

Mga mungkahi para sa maka-Pilipinong Pananaliksik

· Ibatay sa interes ng mga kalahok ang pagpili ng paksang sasaliksikan.

· Pag- aralan ang ibat-ibang paraan ng pagsisiyasat ng anumang penomeno alinsunod sa ginagamit at tinatanggap ng karaniwang Pilipino. Ang mahalaga ay hindi ang pagka-sophiticated kundi ang kaangkupan nito.

· Iwasan ang bulag na pagpapahalaga sa resulta ng pananaliksik. Ang mahalaga ay ang paglinang sa mga pamamaraang angkop sa layunin at kontekstong Pilipino.

· Pahalagahan ang sariling palagay at haka-haka. Makikita ang diwang Pilipino hindi sa salansan ng mga aklat kung hindi sa salita at kilos ng masa.

· Subukan ang isang panimulang metodo ng pananaliksik na dinedebelop batay sa pagsusuri ng pananliksik sa nayon.

1. Iskala ng mananaliksik

· Ginagamit ng sinumang nagnanasang mag-aaral o magsisiyasat ng anumang bagay na nauukol sa Gawain ng tao, na may kaugnayan sa kanyang reaksyon sa mga bagay, at sa kanyang kapwa, maging kilos, pag-iisip o damdamin.

· Mga metodong subok na ang kakayahang lumikom ng impormasyon sa kulturang Pilipino, at angkop sa pag-uugali at pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.

· Iniaayos ito mula sa pinakasimple hanggang sa pinakamaslimuot ng mga paraan.

o Pagmamasid/ pakikiramdam/ pagtatanong-tanong/ pagsubok/ padalaw-dalaw/ pagmamatyag/ pagsusubaybay

o Pakikialam/ pakikilahok/ pakikisangkot

2. Iskala ng pagtutunguhan ng mananaliksik at kalahok

§ Batay sa makapilipinong pananawna ang relasyon ng mananaliksik at kalahok ay pantay at nagdaraan sa iba’t ibang antas.

§ Ito’y iniantas ayon sa paglalapit ng kalooban ng mga mananaliksik at kalahok.

§ Sa mga sikolohista, iminumungkahing ang pagtutunguhan ay paratingin sa pakikipagpalagayang-loob sapagkat sa ganitong paraan lamang matatarok ang tunay na kalooban ng kalahok.

i. Pakikitungo

ii. Pakikisalamuha

iii. Pakikilahok

iv. Pakikibagay

v. Pakiksama

vi. Pakikipagpalagayang-loob

vii. Pakikisangkot

viii. Pakikiisa

Kinds of Filipino Psychology

Mga Katutubong Paraan ng Pananaliksik

Pakapa-kapa

  • Isang lapit sa pananaliksik kung saaan ang isang mananaliksik ay hindi gumagamit ng anumang aklat, banyaga o sa atin tungkol sa paksa, maliban sa sariling kuro-kuro, paninindigan o kakayahan.

Pagmamasid

§ Pagtingin-tingin o pagbabantay sa mga kilos at ginagawa ng isang tao o mga pangyyari at bagay-bagay sa isang lugar.

Pakikiramdam

  • Ginagamit ditto ang damdamin at ang mga mata (batay sa mga nararamdaman ng mananaliksik sa kanyang inoobserbahan).
  • Kailangan dito ay sensitibo o malakas makiramdam ang tao.

Pagtatanong-tanong

§ Pakikilahok sa isang pag-uusap na kung saan maaaring magtanong ukol sa mga bagay-bagay na di personal at maaring tutugon lamang sa mga tanong na alin, ilan, at ano.

§ Ang layunin dito’y makuha ang loob ng tinatanong at upang makakuha rin ng impormasyon na maaring makatulng sa pag-unawa ng mananaliksik.

Pagsubok

§ Pinakikiramdaman; maaaring isagawa sa pamamagitan ng pakikipag-usap o paggawa.

§ Sinusubukan ng isang tao kung totoo nga ang nabuong kaalaman sa kanyang isipan tungkol sa pinagmamasdan

Pagdalaw-dalaw

§ Madalas na pagpunta at pakikipag-usap sa mga tao sa isang lugar upang magkaroon ng mabilis na kilalanan at lubos na makuha ang loob ng komunidad, sapagkat sad alas ng pagkikita at pag-uusap, nasasabi ng isang tao ang nais niyang sabihin bagamat maaaring may ilan pang pagpipigil.

Pagmamatyag

§ Pag-aaral o pagsisikap na maunawaan ang isang bagay sa pamamagitan ng masusi at malapitang pagmamasid.

Pagsubaybay

§ Masusing panonood at pagmanman sa isang bagay o kilos ng isang tao.

Pakikialam

  • pagtatanong ng bakit o paghahanap ng sapat na kadahilanan o paliwanag upang lubusang maintindihan ang kausap.
  • Ito’y isang paraan din ng pakikipagpalagayang-loob.

Pakikisangkot

  • isang uri ng pamamaraan na ang ginagamit ay ang sariling ideya o kuro-kuro galing sa utak ng isang tao, sa pagsagap ng kaalaman at karanasan.
  • Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtira sa pook na kung saan isasagawa ang pananaliksik.

Pakikitungo/ Pakikisalamuha

§ Ang pagsunod sa antas ng mabuting asal ayon sa kaugalian sa pakikipagkapwa.

§ Ang pakikisalamuha ay tumutukkoy sa pakikitungo sa maraming tao, at higit na malapit sa pakikiisa kaysa sa pakikitungo.

Pakikilahok/ Pakikibagay

§ Pagsang-ayon sa gawa, salita at kilos ng isang tao na ang layunin ay maaring taos sa puso o hindi; maaaring

1. Antas ng mabuting asal;

2. Antas ng pagnanais makinabang; o

3. Antas ng hangaring ilapit ang loob sa iba.

§ Malaki rin ang maitutulong nito sa pakikipagkaibigan.

Pakiksama

§ Ang paglahok at pagsama sa gawain ng ibang tao dahil sa pakikipagkaibigan o dahil sa maaring ipakinabang sa hinaharap o siyang hinihingi ng pagkakataon.

§ Isang antas ng pagtutunguhan sa Iskala ng Pagtutunguhan ng mananaliksik at kalahok. Kinilala bilang isang metodo ng pananaliksik sa sikolohiya na kaiba sa participant observation na palasak sa antropolohiya.

Pakikipagpalagayang-loob

  • Mas malalim na pakikibagay, pagpapakita ng pagkapanatag na kalooban sa kapwa sa pag-asang ito’y gagantihan din ng gayon. Naalis na ang hiya at pag-aalinlangan; may tiwala na sa isa’t-isa.

Pakikiisa

§ Mga kilos, loobin at salita ng isang taong nagpapahiwatig ng ganap at lubos na pagmamahal, pagkaunawa, at pagtanggap sa minimithi bilang sariling mithiin din.